NAGA- Patay ang mag-asawa na pinaniniwalaang miembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang nangyaring engkwentro sa Barangay San Antonio, Capalonga, Camarines Norte.
Kinilala ang mga suspek na sina Noeme Marca at Lourdes sa naturang lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), nabatid na habang isinisilbi ang search warrant ng mga otoridad sa mag-asawa ng nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga otoridad at ng mga hindi pa nakikilalang mga armadong grupo.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na tumagal ang naturang sagupaan ng halos 15 minuto.
Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala ng baril ang mag-asawa na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.
Samantala, narekober sa implementasyon kan search warrant ang 20 live ammunitions ng caliber 5.56 firearms; dalawang Improvised Explosives Devices; limang detonating fuse at halos pitong metro ng detonating cord.
Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang hindi rehistradong caliber 45 pistol, at dalawang live ammunitions para sa Caliber 45, 20 caliber 5.56 fired cartridge cases at tatlong caliber 45 fired cases.
Sa ngunyan, patuloy pa rin pinaghahanap ang iba pang mga kasamahan ng mag-asawa na nakatakas matapos ang insidente.