NAGA CITY- Binigyan-diin ng isang konsehal sa lungsod ng Naga na hindi dapat maapektuhan ng nangyayaring agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ang sisterhood na meron ang Naga at China.
Sa naging pagharap sa mga kawani ng media ni Naga City Councilor Joe Perez, sinabi nito na hindi naman dapat maapektuhan ng mga nasabing isyu ang mga proyekto at programa na nabuo sa pagitan ng dalawang lugar dahil nagmumula umano ito sa “goodwill.”
Hindi rin dapat umano na sasangkot pa ang mga gagawin pa lamang na programa para sa hinaharap hanggang hindi pa bumababa ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo ito’y upang hindi rin makaapekto sa mga posibleng pagbiyahe patungo sa China o pagpunta naman ng mga Chinese National patungo sa lungsod.
Dagdag pa ni Perez na mas makakabuti na di mabahiran ng political issues ang nasabing mga proyekto upang mas maging maganda ang takbo nito.
Aniya, hindi masyado lalahok ang Naga sa mga ganitong conflict sa pagitan ng ating bansa at China.
Sa kabilang banda, patuloy rin ang ginagawa ng Sangguniang Panlungsod ng Naga ang kanilang responsibilidad upang maipalabas ang katotohanan sa mga isyu na binabato sa ilang opisina ng Naga City Hall.
Layunin rin umano nila na matugunan ang lahat na mga isyu na ito at mabigyan ng linaw upang maiwasan na mas lumalala pa.
Kaugnay nito, pagpopokus rin nila ang bagong imbestigasyon hinggil sa nasabing isyu na kinakaharap ngayon ng ilang indibidwal sa kanilang mga opisina.