NAGA CITY- Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Canaman sa lalawigan ng Camarines Sur na walang nasawi o nasaktan matapos na yanigin ng magnitude 4.3 na lindol ang nasabing bayan.
Mababatid na dito namataan ang episentro ng pagyanig noong huwebes ng gabi at madaling araw ng Biyernes, Oktubre 15, 2021.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Nelson Legaspi, sinabi nito na wala ring naiulat na damage to property sa lugar.
Sa kabila nito, sinabi ng alkalde na patuloy pa rin ang pag-inspeksiyon ng mga kinauukulan sa mga gusali o kabahayan sa lugar.
Samantala, sa lungsod ng Naga wala naman naitalang casualties maliban na lamang sa iilang nasirang mga pasilidad ngunit isasailalim pa umano ang mga ito sa validation.
Ayon kay Naga City Mayor Nelson Legacion, kaagad nitong inalerto ang Public Safety Office, PNP at City Engineer’s Office para i-assess ang naging epekto ng lindol.
Kaugnay nito, wala namang nasira sa mga cultural at religious structure sa lungsod.
Ito ay ayon sa ginawang inspeksiyon at rapid assesment ng mga personahe ng Arts, Culture and Tourism Office (ACTO).
Kaugnay nito, namataan ang rockslide sa maliit na porsyon ng daanan papunta sa Malabsay Falls sa Mt. Isarog.
Samantala, pansamantalang hindi pinapayagan na makapasok ang 3 wheeler o mas malalaki pang sasakyan sa Ramp 1 & 2 ng Naga City People’s Mall, dahil ito ang isa sa mga pinakalumang gusali dito sa sa lungsod ng Naga, kung saaan nga hinihintay pa ang safety clearance mula sa City Engineer’s Office (CEO).
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang assessment ng City Engineer’s Office, City Disaster Risk Reduction and Managenent Office at Bureau of Fire Protection sa iba pang mga istruktura sa lungsod, kasama ang Philippine Institute of Civil Engineers at United Architects of the Philippines.