NAGA CITY – Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang bansang Afghanistan kaninang madaling araw, Setyembre 5, 2022.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bombo International News Correspondent Joel Tungal, sinabi nito na ang sentro ng nasabing lindol ang naitala sa Peshawar, Afghanistan dakong alas 2:30 ng madaling araw, oras sa nasabing bansa na nagtagal ng 36 seconds.
Dagdag pa ni Tungal posible umanong may mga kabahayan na naapektuhan dahil sa naturang pagyanig.
Tiniyak naman ni Tungal ang agarang pagsasagawa ng Search and Rescue Operation ng mga awtoridad sa Afghanistan sakaling may mga gusali na gumuho.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-antabay ng mg awtoridad sa nasabing lugar sa mga maaari pang mangyari kaugnay ng naturang lindol.