NAGA CITY- Dead on arrival ang isa magsasaka sa Catanauan, Quezon matapos makuryente.

Kinilala naman ang biktima na si Alyas Ruperto, 51-anyos, residente ng Brgy.Pacabit, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang pauwi ng kanilang bahay ang biktima ng aksidente nitong mahawakan ang isang live-wire dahilan upang ito ay makuryente.

Agad naman sanang dinala sa ospital si Alyas Ruperto ngunit sa kasamaang palad ay idineklara rin itong dead on arrival ng doktor.

Sa ngayon ay muli naman nagpaalala ang mga opisyal na huwag basta-basta hahawakan ang mga nakikitang live-wire ngunit mas mabuting ipagbigay alam ito sa mga kinauukulan o di naman kaya’y sa indibidwal na may alam pagdating sa electricidad upang maiwasan ang ganitong pangyayari.