NAGA CITY – Naaagnas na ng matagpuan ang katawan ng isang magsasaka habang nagpapalutang-lutang sa ilog sa Brgy Liwayway, Mauban, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Henrick Delos Santos Remolona, 31-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na batay sa pahayag ng mismong ina ng biktima, na kinilalang si Cristina Remolona Hulyo 8, 2021 umano ng pumunta si Henrick sa kanilang bahay para magdala ng mga gulayin.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, pinaniniwalaan na habang pabalik na ang biktima sa kanilang bahay at nang tumawid ito sa naturang ilog, dito na umano ito nalunod dahil sa lakas ng agos ng tubig sa naturang ilog.

Samantala, pinaniniwalaan naman na walang nangyaring foul play sa pagkalunod at pagkamatay ni Hendrick.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad, hinggil sa naturang insidente.