NAGA CITY – DEAD-ON-ARRIVAL ang isang magsasaka matapos mabiktima ng hit and run sa Maharlika Highway, Brgy. Mambulo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jaycee Cortezano, 46-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Emy Rose Organis, tagapagsalita ng Libmanan Municipal Police Station, sinabi nito na batay sa kanilang naging imbestigasyon habang tumatawid umano ang biktima sa kalsada nang mabundol ito ng isang kotse na n=minamaneho ng hindi pa nakikilalang suspek.

Dagdag pa ni Organis, sa halip na tulungan ng drayber ng nasabing sasakyan ang biktima ay pinabayaan lamang nito si Cortisano na nakahandusay sa kalsada at nagpaharurot papunta sa direksyon ng lungsod ng Naga.

Agad naman umanong dumating ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO)-Libmanan at mga kapulisan sa lugar na agad dinala sa ospital ang biktima.

Ngunit sa kasamaang palad ay idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Ayon pa sa opisyal, maliwanag naman umano sa lugar kung saansinabi pa nito na imposibleng hindi nakita ng drayber ng kotse ang tumatawid na biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na ang patuloy na pangangalap ng posibleng witness sa naturang insidente.