NAGA CITY – Patay ang isang magsasaka matapos magpakamatay sa Guinayangan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Elias Cabral, 56-anyos residente ng Brgy. Dungawan Paalyunan sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang wala nang buhay na katawan ng biktima habang nasa duyan at may tama ng bala baril sa kanang sentido.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman pa na nakakaranas ng depression ang biktima dahil sa pagkamatay ng kaniyang asawa.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.