NAGA CITY – Patay ang isang magsasaka matapos magpatiwakal sa Sampaloc, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Josue Prinsipe Callejo, 53-anyos, residente ng Brgy. San Isidro, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang wala nang buhay na katawan ng kan biktima sa isang puno habang nakabigti.

Sa inisyal na imbestigasyon pa ng mga awtoridad, napag-alaman na mayroon umanong iniwan na mensahe ang biktima kung saan nakapaloob dito na susunod na ito sa kaniyang namayapang karelasyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.