NAG CITY – Patay ang isang magsasaka matapos makuryente sa bayan ng San Jose sa Partido Area, probinsya ng Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Manuel Olores, 57 taong gulang, magsasaka, residente ng Zone 1, Brgy. Manzana sa nasabing bayan. 

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpt. Mark Spaña, Officer-In-Charge ng San Jose Municipal Police Station, sinabi nito na nangyari ang insidente nitong Lunes, pasado alas 10:30 ng umaga.

Nakatanggap aniya ng report ang kanilang hepatura hinggil sa isang bangkay na nakita sa Brgy. Manzana sa nasabing lugar. Agad naman nagtungo ang kanilang tauhan sa lugar upang ma-verify ang nasabing report.

Sa nagin imbestigasyon, nang tatanggalin na sana ng biktima ang socket sa banyo ng kanilang bahay, ng aksidente nitong mahawakan ang wire na may punit na. Sa mismong pagbagsak ng biktima ay nakadikit ang wire sa mismong leeg nito.

Ayon pa sa opisyal, nakipag-ugnayan din sila sa isang doktor o Municipal Health Officer sa bayan ng San Jose upang magsagawa ng imbestigasyon sa bangkay at lumabas na walang foul play sa nangyaring insidente. Hindi na rin nasubukang dalhin sa ospital ang biktima dahil nakita ito ng wala nang pulso.

Liniwan naman ng opisyal na ang sanhi ng naturang insidente ay dahil sa may damage na ang wire ng kuryente, na kung saan malakas ang boltahe dahil sa haba at laki nito.

Sa ngayon ay nakaburol na ang labi ng biktima at nakahanda rin aniya na tumulong ang Lokal na Pamahalaan sa pamilya nito.

Samantala paalala pa ng opisyal na laging tiyakin ang mga wires o saksakan sa loob ng bahay upang hindi makompromiso ang kaligtasan ng buong pamilya.