NAGA CITY- Patay ang isang magsasaka matapos malunod sa Mulanay, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Julieto Mendoza Bariata, 47-anyos, residente ng Brgy. Sto. Niño (Ajos) sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na huling nakitang buhay ang biktima noong March 30, 2024 habang nag-iinuman kasama ang kanyang mga kapamilya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na narekober ang wala ng buhay na katawan ni Bariata ng kanyang anak na si Jeffrey Bariata sa baybayin ng Sitio Mahabang Lam-aw, Brgy. Sto. Niño, Mulanay, Quezon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nasabing insidente.