NAGA CITY- Patay ang isang magsasaka matapos na makuryente sa Quezon, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Manuel Requiron, 45-anyos, residente ng Purok Paraiso Brgy. Villa Belen sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nagpunta ang biktima sa Sitio 1, Brgy. Argosino para pakainin ang kanyang alagang kalabaw.

Dahil dito, sinubukan nitong dumaan sa natumbang linya ng kuryente upang makatawid sa kabilang daan.

Ngunit ang nasabing mga electrical lines ang under maintenance dahil sa sira ang poste nang kuryente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na hinawakan ng biktima ang wire para makalipat ngunit dito naman ito nakuryente na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, napag-alaman pa na hindi alam nang bitkima na mayroon pang kuryente ang naturang linya ng kuryente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.