NAGA CITY – Patay ang isang magsasaka matapos na pagbabarilin ng isang pulis matapos na maaktuhan na kasama ang asawa nitong babae sa isang kubo sa Cabusao, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj Rosalinda Moises, Officer in Charge ng Cabusao Municipal Police Station, dahil dito nagdilim ang paningin ng suspek at agad na bumunot nang baril at ilang beses na pinagbabaril ang biktima.

Aniya, dahil sa mga tama ng bala ng baril na tinamo ng biktima, ito naman ang naging dahilan nang agaran nitong pagkamatay.

Ayon pa kay Moises na matapos ang krimen, agad namang ini-report ng suspek sa mga awtoridad ang insidente at maayos naman na sumuko sa mga awtoridad.

Ayon pa sa opisyal, inamin naman ng babae ang relasyon nito sa biktima at ang pangloloko nito sa suspek.

Samantala, napag-alaman na matagal na umanong magkakilala ang suspek at biktima.

Napag-alaman rin na nakadestino sa Ragay Municipal Police Station ang suspek.