NAGA CITY – Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin sa Sitio San Jose, Antipolo, Iriga City.

Kinilala ang biktima na si Angel Vibar, residente ng Brgy. May-Ong, Tiwi, Albay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang naglalakad ang biktima kasama ang kapatid nito na si Renato Vibar, ng dumating ang suspek na kinilalang si Junior Clerico at bigla na lamang nitong pinagbabaril si Angel gamit ang sumpak.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, dahil sa insidente, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad gayundin ang pagtunton sa kinaroroonan ng suspek na agad tumakas matapos ang naturang krimen.