NAGA CITY- Naagnas na ng matagpuan ang bangkay ng isang magsasaka sa Purok 1, Barangay Lukbanan, Capalonga, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Dennis Parale, 30-anyos, residente ng Purok 3, Barangay Ubang, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na ang biktima ang nakausap sa may-ari ng lupa na si Jerry San Juego para makapagtrabaho at maki-oling.

Ngunit, dalawang araw na ang nakakalipas nang bumisita ang nasabing may-ari ng lupa at nakita na lamang nito ang biktima na nakahandusay sa kubo.

Ayon dito, habang papalapit umano ito sa kubo, naaamoy na nito ang masangsang na amoy na nagmumula sa nasabing lugar kung saan dito na mga nito nakita ang bangkay ng biktima.

Kaugnay nito, agad naman na pinaalam sa pamilya ng biktima ang nasabing insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.