NAGA CITY- Patay ang isang magsasaka matapos na pagsasaksakin ng kapwa magsasaka sa Brgy. Lubigan, Guinayangan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Edwin Salvatiera Valenzuela, 48-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na habang nagkakaroon ng mainit na diskusyon ang biktima at ang suspek na kinilalang si alyas Mario, residente rin sa lugar ng suntokin ng biktima ang suspek sa mukha. Ito rin bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ng ilang ulit sa tiyan si Salvatiera.

Agad naman sanang dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor. 
Samantala, agad naman na tumakas ang suspek matapos isagawa ang krimen.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.