NAGA CITY- Sugatan ang isang magsasaka matapos na saksakin nang kainuman sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Rolly Manila Napoles, 47-anyos, residente ng Barangay Esperanza Ilaya, sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Santiago Fernandez, residente naman ng Barangay Salvacion, Calauag, sa nabanggit na probinsiya nang bigla na lamang magkaroon ng mainit na argumento ang dalawa.

Dahil dito, binunot nang suspek ang kanyang bolo at sinaksak ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na dahil sa insidente, nagtamo nang tama ng saksak sa kanyang dibdib at braso na agad namang itinakbo sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, patuloy man ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang paghahanapa sa kinarooonan ng suspek na agad tumakas matapos ang insidente.