NAGA CITY – Sugatan ang isang magsasaka matapos pagtatagain ng sariling kapatid sa Barangay Pilion, Polillo, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Joedel Boregas, 42-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagsasalu-salo sa labas ng kanilang bahay ang biktima kasama ang kapatid nito na si Joan Boregas at ang pamangkin gayundin ang iba pa nang magkarron ng mainit na diskusyon ang magkapatid.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing unang sinuntok ng biktima si Joan rason para kumuha rin ito ng bolo at tinaga ng tatlong beses sa ulo ang biktima.

Matapos ang insidente, mismong ang suspek din ang nagdala sa kaniyang kapatid sa ospital para sa asistensiya medikal at isinuko ang kaniyang sarili sa mga otoridad para sa karampatang disposisyon.