NAGA CITY- Nakumpiska ang humigit-kumulang ₱116,900 na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad kontra sa isang indibidwal sa Barangay Triangulo, Naga City.

Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay Raymund Arevalo, Barangay Kapitan ng nasabing Barangay, sinabi nito na malaking bagay umano ang ginawa ng kapulisan na kampanya kontra sa ilegal na droga upang tuluyan na itong mawala sa kanilang lugar.

Aniya, malaking problema kasi ang ganitong bagay sa kanilang barangay kaya laking pasasalamat na lamang ng kapitan sa isa nanamang matagumpay na operasyong ng mga kapulisa.

Ayon kay Arevalo, kilala nito ang suspek na dati na rin nakulong dahil sa ipinagbabawal na gamot. Akala rin ng kapitan na tuluyan na itong nagbago kung kaya’t na lungkot ito nang magin siya ay wintess mismo sa nangyaring operasyon at muling pagkakaaresto sa suspek.

Samantala, simula umano ng umupo ito bilang isang kapitan ng kanilang barangay, naglibot sila kasama ang barangay council upang personal na kausapin, pakiusapan at bigyan ng ibang option ang mga indibidwal na nasasangkot sa ilegal na droga.

Dagdag pa ng kapitan sa kanilang pagsisikap ay dahil para umano ito sa kapakanan ng mga kabataan na posible ring masangkot sa maling gawain kapag nagpatuloy pa ito sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang tuluyan na rin matapos ang malaking banta ng ilegal na droga sa ating bansa.