Umabot na sa mahigit 100 katao ang nasawi matapos ang naganap na stampede sa isang religious gathering sa northern India.
Nangyari ang insidente sa satsang, isang Hindu religious event sa Hathras district ng Uttar Pradesh state.
Karamihan sa mga nasawi ay mga kababaihan at mga bata na patuloy na kinikilala ng mga otoridad.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, matapos ang sermon ay magkakasabay na lumabas ang mga tao at doon na nagkasiksikan palabas.
Isa-isang natumba ang mga tao at ang iba ay naapakan na.
Naniniwala ang mga otoridad na overcrowded ang lugar kung saan nangyari ang aksidente.