NAGA CITY- Tinatayang mahigit 100 katao ang pinaniniwalaang nahawaan ng covid -19 matapos dumalo sa isang Christian church Gathering sa South Korea.
Sa report ni Bombo International Correspondent Sylvia Espinosa, sinabi nitong tila bomba na sumabog sa bilis ang pagkalat ngayon ng Covid-19 sa naturang lugar.
Una rito, nagsimula umano ang pagkalat ng sakit matapos dumalo ang isang koreana sa Christian Church Gathering na pinaniniwalaang may covid-19 na hindi nagpatingin sa doktor.
Ayon kay Espinosa, maliban sa naturang gathering nakipaghalubilo rin ito sa mga tao sa loob ng isang restaurant sa lugar kung saan ito kumain at namasyal pa sa down town.
Samantala, ayon kay Espinosa, namatay narin ang kanyang kapitbahay na 41-anyos na pinaniniwalaang isa sa dumalo sa nasabing gathering.
Sa ngayon under-quarantine narin aniya ang pamilya nito at ang iba pang mga taong nakahalubilo ng nasabing Koreano sa natuyrang pagtitipon at sa iba pang lugar na pinuntahan nito.