NAGA CITY- Mahigit sa 100 katao sugatan na nananatili pa sa loob ng Hongkong University.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong mahigit sa 1,000 mga tao ang natrap sa loob ng unibersidad na kinabibilangan ng mga kagawad ng media, mga mag-aaral, mga guro, religious groups at medical team.
Ayon kay Sadiosa, hindi lahat ng mga natrap sa naturang unibersidad ang mga nagpoprotesta ngunit marami rin aniya ang mga menor de edad.
Aniya, karamihan sa mga lubhang nasugutan ang kinakailangan nang madala sa mga ospital ngunit hindi basta makalabas dahil sa mga nakabarikadang pulis sa labas ng campus.
Maliban dito kinukulang na rin aniya ang suplay ng pagkain at gamot dahil pahirapan na ang mga nakakalusot sa lugar.
Nabatid na isa si Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sa mga taong natrap sa loob ng naturang unibersidad.