NAGA CITY – Nagin matagumpay ang isinagawang ride for a cause ng humigit kumulang sa 90 grupo ng mga riders mula sa iba’t-ibang bahagi ng Bicol at mga karating lugar nito.
Layunin nitong matulongan ang isang pitong buwang sanggol na si Baby Jeany Daniela De Jesus mula sa Tigman, Sipocot, Camarines Sur na may imperforate anus o walang butas ang puwet.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay France Prestado Peñano , Presidente ng Sipocot Riders Alliance [SRA], sinabi nitong binuo ang nasabing ride for a cause ng mahigit 1000 katao kung saan nakalikom sila ng humigit kumulang sa P43,000 na ibinigay sa pamilya ng bata.
Ayon kay Peñano, una ng lumapit sakanila ang ama ng bata upang humingi ng tulong noong nakaraang taon sa isinagawang kaparehas na programa.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ng pamilya ang nakatakdang operasyon sa bata.
Samantala, ayon kay Peñano , bukod kay Baby Jeany madami pa umano itong nakatakdang tulongan sa pamamagitan ng nasabing programa sa mga darating na buwan.