Mahigit 1,000 tagahanga ng iconic actres na si Marilyn Monroe ang nagtipon upang ipagdiwang ang kanyang ika-100 kaarawan. Ang okasyon ay naging isang malaking selebrasyon ng kanyang naiwan na pamana sa pelikula at pop culture.
Dumalo ang mga fans na nakasuot ng puting dress at blonde wig na ginaya sa kanyang kilalang istilo. Layunin nilang muling buhayin ang iconic na imahe ng aktres sa isang masayang pagtitipon.
Isinagawa ang naturang event sa downtown Palm Springs sa California. Ang lugar ay napuno ng kulay, sigla, at dami ng taong nakisabay sa tema ng selebrasyon.
Ayon sa mga ulat, kinilala rin ang pagtitipon bilang bagong Guinness World Record. Ito ay para sa pinakamaraming taong sabay-sabay na nagbihis ala-Marilyn Monroe sa isang event.
Nalampasan nito ang dating rekord na 254 kalahok na naitala sa Australia noong 2020. Dahil dito, mas lalong naging makabuluhan ang naturang pagtitipon bilang bahagi ng pag-alala sa isang iconic na personalidad.








