NAGA CITY – Kinumpirma ngayon ng tagapagsalita ng Commission on Election (Comelec)-Camarines Sur na nasa mahigit 100,000 botante ang nadeactivate sa kanilang system sa lalawigan ng Camarines Sur

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Alex Marpuri tagapagsalita ng Commission on Election (Comelec)-Camarines Sur, sinabi nitong ang nasabing bilang ng mga botante ang dinilete at nadeactivate matapos na hindi ang mga ito bomoto ng dalawang beses noong nakaraang mga eleksyon.

Ayon kay Marpuri , malaking bagay ang nasabing numero ng mga botante lalo na’t sa loob ng nasabing numero 60,000 lamang ang nagreactivate habang ang iba hindi na nagparehistro ulit sa kanilang mga opisina.

Samantala, sa kabila nito tiniyak ni marpuri na umabot parin ng halos isang milyon ang registered voters sa Camariner sur.