NAGA CITY- Tinatayang aabot na sa 173 katao ang naaresto ng Philippine National Police na mga hindi sumusunod sa ipinapatupad na Enhance Community Quarantine sa Probinsya ng Camarines Sur.
Sa panayam ng kan Bombo Radyo Naga kay PLtCol James Ronatay, spokesperson ng Camarines Sur Police Provincial Office(CSPPO) sinabi nito na sa loob ng sampung araw masasabi nitong ang mga nahuli umano ay ang mga pasaway at mahirap paintindihin sa mga ipinapatupad ng gobyerno.
Ayon kay Ronatay, kung mayroong nahuhuli mayroon din namang pagsasabihan lamang kung saan tinatayang aabot din ito sa kabooang 492 katao sa boong probinsya.
Dagdag pa ni Ronatay, kung ano-anong palusot nalamang ang kanilang narrinig mula sa mga residenteng hindi magawang sumunod sa mga protocols para lamang hindi ito hulihin at makalabas lamang sa kanilang bahay.
Sa ngayon pakiusap naman ni Ronatay na manatili nalamang sa bahay at isipin din ang mga nag sasakrepesyong frontliners upang makaiwas at labanan ang pandemic na Coronavirus desease.