NAGA CITY – Mahigit sa 400 katao ang naaretso ng mga otoridad sa implementasyon ng 3-day Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa buong Quezon Province.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na mayroong kabuuang 405 suspek ang naaresto na kinabibilangan ng 33 suspects para sa Violation of RA 9165 o Illegal Drugs habang nasa 56.92 grams ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska na katampad ng mahigit sa P380,000.
Nasa 77 naman ang wanted persons, 93 sa violation of Illegal Gambling, anim sa violation of Illegal Logging, 18 sa Illegal Fishing at tatlo sa Violation of RA 8048 o Coconut Preservation Act.
Maliban dito, 145 personalities naman ang naaresto sa paglabag sa Municipal Ordinances sa iba’t ibang bayan.
Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang nasabing mga suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.