Photo© web

Umabot sa mahigit 5,000 ang nag-file para sa Civil Service Exam noong Marso 8 ngunit higit 1,000 ang hindi nakadalo sa aktwal na pagsusulit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ma. Dolores Detera Salud Director II, Civil Service Commission, Camarines Sur Field Office, sinabi nito na sa tala ng Civil Service Commission (CSC) Camarines Sur, nasa nasa mahigit 4,000 lamang ang nakapag-exam, habang ang iba ay absent.

Ayon sa opisyal ng Civil Service Commission, ang mga hindi nakapag-exam ay maaari pa ring mag-file muli para sa susunod na schedule. Ang resulta ng March exam ay inaasahang lalabas bago mag-Hulyo 20, kasabay ng paghahanda para sa panibagong pagsusulit sa Agosto.

Paalala mula sa Civil Service Commission na may filing period mula Mayo hanggang Hunyo para sa mga nais muling sumubok. Siguraduhin ang tamang requirements gaya ng valid ID at pictures na may pangalan at pirma.

Advertisement

Dagdag pa ni Salud na bukas, nakatakda rin ang filing para sa FOE (Fire Officer Exam) at POE (Penology Officer Exam). Ang mga naka-schedule sa Marso 17 at 18 ay inaasahang dumalo sa kanilang takdang araw. Hinimok ng Civil Service Commission ang mga aplikante na huwag sayangin ang pagkakataon at ang kanilang binayaran.

Sa kabila ng dami ng absent noong nakaraang exam, nananatiling bukas ang CSC para sa mga nais magpatuloy at muling magpakita ng determinasyon sa pagsusulit.

Advertisement