NAGA CITY- Naitala ang isang casualty sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City dahil sa pananalasa ng bagyong Enteng.
Ayon kay Francis Mendoza, Kapitan ng nasabing Barangay na mahigit 5,000 na pamilya ang naapektuhan ng nasabing bagyo at nasa 476 na indibidwal naman ang kailangan lumikas.
Kung saan, nabigyan naman ang mga ito ng relief goods.
Sa ngayon ay nakabalik na rin sa kanilang bahay ang mga evacuees.
Samantala, inamin naman ng kapitan na kulang ang kanilang rescue boats kung kaya’t humingi sila ng tulong sa Coast Guard upang irescue ang mga residentes.
Kaugnay nito, ikinalungkot naman ng kapitan ang naitalang isang binawian ng buhay dahil ito ay nakuryente habang nananalanta ang bagyo sa Bicol Region.
Sa kabilang banda, isa ang mga basura na tinatapon sa mga drainages ang nakikitang rason ng kapitan sa labis na pagbaha sa lungsod.