NAGA CITY- Aabot na sa mahigit 900 mga baboy ang nakatakdang isailalim sa culling operation mula sa dalawang barangay sa Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Junius Elad, City Veterinarian ng lungsod, sinabi nitong una na nilang naipasailalim sa naturang operasyon ang 136 mga baboy mula sa ground zero No. 1 sa Barangay Pacol.

Aniya, magtutuloy-tuloy pa ito hanggang sa maubos ang nasa 397baboy mula sa naturang lugar.

Pagkatapos ng Pacol, magpapatuloy pa aniya ang swine depopulation sa Barangay Cararayan kung saan mahigit 500 mga baboy pa ang nasa loob ng 1km raduis zone.

Samantala, kinumpirma rin ni Elad na may dalawang dagdag na barangay sa lungsod ang sinusubaybayan nila sa ngayon dahil parin sa banta ng ASF.

Kasama sa mga barangay na ito ang Del Rosario at Balatas kung saan hinihintay na lamang aniya nila ang resulta ng eksminasyon sa mga specimen na ipinadala sa Department of Agriculture.

Kung maaalala, sa ngayon nasa ilalim ng state of Calamity ang lungsod matapos makapasok na sa lugar ang kaso ng African Swine Fever (ASF).