NAGA CITY – Nakumpiska ang mahigit 1 milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa Mercedes, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas Mike, 41 taong gulang, residente ng Purok 5, Brgy. 2, Daet, sa nabanggit na probinsya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Norte Police Provincial Office, inaresto aniya ang suspek sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Purok 1, Brgy. Del Rosario, Mercedes.
Nakumpiska dito ang isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu, isang large transparent plastic na hinihinalang shabu, at 19 na piraso ng medium heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga.
May kabuuan naman aniyang bigat na mahigit-kumulang 150 grams ang lahat ng nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga, at nagkakahalaga ng ₱1,020,000.
Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.