NAGA CITY- Kumpiskado ang mahigit sa P55O-K na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operations ng mga otoridad kaban sa dalawang drug personality sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Eric, 49-anyos at si alyas Leira, 44-anyos, parehong residenta ng Brgy.Marketview, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang posuer buyer sa mga suspek nang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaan na shabu gamit ang P1-K komo buy bust money.

Maliban dito, nasamsam pa kay alyas Eric at alyas Leira ang limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng iligal na droga.

Sa pangkabuuan ang mga nakumpiska na iligal drugs ang umabot sa anim na piraso at mayroong bigat na umaabot sa mahigit kumulang 27grams at nagkakahalaga ng P550,800.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga awtoridad ang dalawang suspek para sa karampatang kaparusahan.