NAGA CITY- Mahigit kalahating milyon ang halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt Emyrose Organis, tagapagsalita ng Libmanan-PNP, sinabi nitong una nilang naaresto ang suspek na si Angeles Realizan Jr, 36-anyos sa Brgy Palong at nakumpiska dito ang humigit kumulang sa 25g ng pinaniniwalaang shabu na nasa P170,000 ang halaga.
Maliban dito, mahigit sa 50g naman o katumbas ng P340,000 ang halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska rin sa mga suspek na sina Lyndon Sias at Ernesto Rocha sa Brgy Puro Batia.
Sa ngayon nananatili na sa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek habang hinahanda na ang mga kasong isasampa laban dito.