NAGA CITY- Kumpiskado ang mahigit sa P1.2-M halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga otoridad laban sa apat suspek sa Lucena City.
Kinilala ang mga suspek na sila Francisco Ureta, 62-anyos, residente ng Brgy. Bagumbayan, Mauban, Quezon; Edison Villegas, 40-anyos, residente rin ng Brgy. Isabang, Lucena City habang sa hiwalay naman na operasyon sila Aryana Marhiel Orcales, 32-anyos, at Harold Pre 38-anyos, residentes ng Brgy Ilayang Talim, Lucena City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na posuer buyer kila Ureta asin Villegas.
Maliban pa dito, nakumpiska pa sa mga ito ang siyam na sachet ng nasabing iligal na droga may bigat na 52.1 grams at nagkakahalagang P1,062,840.
Sa kabila nito, kumpiskado rin kila Orcales at Pre ang limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na pinaghihinalaang shabu na may bigat na 10.76 grams at nagkakahalagang P219,504. Sa buohan, umabot sa P1,282,344 ang halaga ng nasabing iligal na droga sa magkahiwalay na operasyon.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.