NAGA CITY- Kumpiskado ang nasa P1.3 M na halaga ng iligal na droga mula sa tatlong drug personality sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Lagpan, Brgy. Ibabang Palsabangon, Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Ely Ferreras, 36-anyos, residente ng Purok Matahimik, Brgy. Cotta, Lucena City; Sharmaine Ferreras, 28-anyos at John Talingting, 26-anyos, kapwa residente ng Sitio Lagpan, Brgy. Ibabang Palsabangon, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na posuer buyer sa suspek ng isang plastic sachet ng iligal na droga sa halagang P15,000.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na maliban sa buy-bust item nakumpiska pa sa mga suspek ang 14 pang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nasa 64.51 grams ang timbang at nagkakahalaga ng P1,316,004.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.