NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P1.5-M na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina Suzette Sumayang Parto, 29-anyos at Alvin Pera Abellera, 28-anyos, residente ng Purok Talabis, Baranga. 5 sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na posuer buyer sa suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na maliban sa buybust item nakumpiska pa sa suspek ang 15 pang sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng nasa P1,564,476.

Samantala, nabatid din na kabilang sa High Value Individual watchlist si Parto habang Newly Identified drug personality naman si Abellera.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.