NAGA CITY- Kumpiskado ang nasa mahigit P1-M na halaga nang shabu mula sa tatlong drug personality sa isinagwang buybust operation sa Purok Talabis, Brgy. Ibabang Iyam,Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sila Maricris Deocales alyas Bebet, 29-anyos; Neil Jansen Velez Igloria, 27-anyos; Rodrigo Velez Brondo, 30-anyos, lahat residentes ng nasabing lungsod.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na naakatuhan ng mga otoridad ang mga suspek na nagbebenta nang iligal na droga matapos na makabili dito ang nagpanggap na posuer buyer ng isang plastic sachet nang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga nang P5-K.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad maliban sa buybust item nakumpiska pa sa mga suspek ang 18 plastic sachets nang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga nang P1,338,240 at mayroong bigat na 65.5 grams.

Napag-alaman man na itinuturing na high value individual si Deocales at dati na ring naaresto dahil sa katulad na kaso, habang kasama naman sa SLI list ng mga awtoridad ang dalawang iba pa at dati naman na naaresto si Igloria dahil sa iligal na droga.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.