NAGA CITY- Narekober sa loob ng male comfort ng isang fastfood restaurant ang nasa P10-M na halaga ng iligal na droga sa Brgy. Poblacion, Candelaria, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial napag-alaman na isang Jerico Loro Esguera, 21-anyos, ang crew ng nasabing fastfood restaurant ang nakakita at nagreport sa mga otoridad patungkol sa nakita nitong iligal na droga sa basurahan sa loob ng nasabing comfort room.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na habang nililinisan ni Esguerra ang basurahan sa nasabing comfort room nang makita nito sa ang isang heat sealed transparent plastic bag ng pinaghihinalaang shabu at agad na nireport sa nagpapatrolyang police officer.

Kinakarkulong mayroon itong bigat na 511.5 grams at nagkakahalagang P10,434,600.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nakuhang iligal na droga para sa karampatang disposisyon.