NAGA CITY – Naitala ang mahigit P10 million na danyos sa sektor ng Agrikultura sa rehiyon ng Bicol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lovella Guarin, Spokesperson ng Department of Agriculture Bicol, sinabi nito na nagsimula ang kanilang monitoring noong nakaraang Hulyo 17 kung sana naitala na ang pinsala sa sektor ng agrikultura sa kabuuang mahigit P10 million na kinabibilangan ng biocrops development program sa mga probinsiya ng Catanduanes-na mayroong pinakamalaking pinsala na umabot sa P8.1 million at mayroong 100 hectares an apektado para sa mga penakbet vegetables.
Habang sa probinsiya naman ng Camarines Sur umabot sa mahigit P1 million an naging pinsala sa 34 hectares na lupa, habang sa probinsiya ng Masbate mayroon ding 32 hectares ang naapektuhan na umabot sa P1.7 Million.
Dagdag pa ni Guarin na sa ngayon wala pa silang record kung ilang mga magsasaka ang naapektuhan dahil hinihintay pa umano nila ang mga listahan galing sa municipal agriculture ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa rehiyon.
Pagtiyak pa ni Guarin huwag umano mag-alala dahil mayroong mga naka-preposisyon na buffer stock ng mga bigas, binhi gaya na lamang ng corn seeds, vegetable seeds at para sa mga livestocks.
Samantala, pinapaalalahanan naman ng opisyal ang mga magsasaka na magparehistro sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para umano kung may mga ganitong kalamidad, ay pwede silang makapag-claim ng kanilang insurance.
Binigyang-diin pa ng tagapagsalita na mayroon din silang tinatawag na shore aid na loan na P25,000 cash assistance at payable sa loob ng anim na taon pero maa-avail lamang ito kung inideklarang under state of calamity ang isang lugar.
Ang nasabing ahensiya naman ay mayroong nakahandang preposisyon na mga essential agriculture equipment gaya na lamang ng combine harvesters upang matulungan ang hindi pa nakapag-ani na mga magsasaka.
Sa ngayon, paalala na lamang ni Guarin sa lahat na makinig at mag-antabay sa mga balita patungkol sa panahon maging sa kanilang ahensiya sa pamamagitan ng kanilang social media account upang malaman ang mga anunsiyo na kanilang ipo-post patungkol sa sektor ng agrikultura.