NAGA CITY – Nasamsam ng mga otoridad ang nasa humigit-kumulang P142,000 na halaga ng shabu matapos ang isinagawang buy bust operation sa Sitio Tubigan Barangay Alupaye Pagbilao, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na gamit ang P500 bilang buy bust money, nakuhang makabili ng nagpanggap na posuer buyer sa suspek na si Pablo Ravila Jr., 45-anyos ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.
Kaugnay nito, narekober pa ng mga aworidad sa suspek ang dalawang pakete pa ng ipinagbabawal na gamot.
Samantala, aabot naman sa P142,000 ang halaga ng mga nakumpiska na droga sa suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 of Art II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.