NAGA CITY – Tinatayang mahigit sa P2,000,000 ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska ng mga otoridad sa isainagawang buybust operation sa Purok 2, Brgy. Malabanban Sur, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Mark Delfin Alinea Sarmiento Alias “Brite”, 23-anyos, residente ng Purok 1, Brgy. Malabanban Sur, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nahuli ng mga otoridad sa akto ang suspek habang nagbebenta ng ng iligal na droga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakumpiska sa suspek ang 24 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang may bigat na 125 grams na nagkakahalaga ng aabot sa P2,550,000.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Candelaria Municipal Police Station ang suspek para sa karampatang disposisyon habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.