NAGA CITY – Tinatayang aabot sa mahigit P20,000 ang halaga ng shabu na nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation laban sa isang construction worker sa Barangay Wakas, Tayabas City.
Kinilala ang suspek na si Rolan Javines Camiller alyas Liit, 28-anyos, residente ng Greenhill’s Phase II Barangay MarketView Lucena City.
Sa nakalap impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nakabili ang isang nagpanggap na posuer buyer kay Camiler ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang shabu na may timbang na 0.18 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P3,672.00.
Kaugnay nito, nasamsam pa sa suspek ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang may 0.99 grams at nagkakahalaga naman ng P20,196.00 gayundin ang iba pang drug paraphernalia.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.