NAGA CITY- Arestado ang isang lalaki matapos ang ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Sariaya Quezon.

Kinilala ang suspek na si alias ALAS, 49-anyos residente ng Brgy. Sta Catalina Sur, Candelaria, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakabili ang poseur buyer sa suspek ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu gamit ang P1,000 bilang buy-bust money.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman pa nakumpiskar pa sa suspek ang isang black sling bag na naglalaman ng tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaan rin na shabu.

Sa kabuuhan, mayroon bigat na 10.51 grams ang mga nakumpiska na item at nagkakahalaga ng humigit-kumulang P214,404.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.