NAGA CITY- Nasamsam ang mahigit P200-K na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad laban sa isang drug personality sa Lucena City.

Kinilala an suspek na si alyas Ariel, 58-anyos, residente ng Brgy Dalahican sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabaili ang posuer-buyer sa suspek ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P1,000 bilang buy bust money.

Maliban dito, nakumpiska pa kay alyas Ariel ang dalawag piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang iligal na droga.

Sa pangkabuuan, tatlong piraso ng heat- sealed transparent plastic sachet ng illegal drugs ang nasamsam mula sa suspek na mayroong bigat na umaabot sa humigit kumulang 13.80 grams at nagkakahalaga ng nasa P281,520,00.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.