NAGA CITY- Tinatayang aabot sa mahigit P3.4 milyon ang halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy bust operation sa Barangay San Francisco, sa lungsod ng Naga.

Kinilala ang mga suspek na sina Francisco Salazar at Rey Flores parehong 38-anyos at residente ng bayan ng Canaman.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), napag-alaman na narekober ng mga awtoridad sa nasabing mga suspek ang aabot sa 500 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng nasa P3,400,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang naturang mga suspek para sa karampatang disposisyon.