NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P3.4-M na halaga ng iligal na droga sa isinagawang High-Impact buybust operation ng mga awtoridad sa Purok Silangan Barangay Barangay Dugcal, Camaligan, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Alex Garol, 47-anyos, residente ng Barangay Dugcal sa nasabing bayan.

Ayon kay PLt. Allein Molina, ang OIC ng Camaligan Municipal Police Station, nakumpiska sa suspek ang nasa 505 grams na shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P3,334,000.00

Dagdag pa ni Molina, nabatid din na ang suspek ay Newly Identified Drug Personality na nagsusupply ng mga droga sa naturang lugar.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.