NAGA CITY- Tinangay ng dalawang tauhan ng LCC Supermarket Tagkawayan Branch ang mahigit P300-M.
Kinilala ang mga suspek na sila Alyas Jonabelle, 26-anyos, residente ng Barangay Sta Cecilia, Tagkawayan Quezon at alyas Ella, 34-anyos, residente naman ng Barangay Talobatib Labo, Camarines, Norte.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na pumunta sa opisina ng pulisya ang isang alyas Albert upang iulat ang insidente ng pagnanakaw sa kanilang branch.
Kung saan, noong Agosto 1, 2024 umano ay ang internal audit team ang nagsagawa ng sabay-sabay na pag-audit sa ilang LCC stores sa Camarines Norte at Quezon province, kaugnay nang shortages of funds/sales incident sa nasabing Branch.
Dito rin napag-alaman nilan alyas Albert na mayroong kulang sa treasury funds at benta ng nasabing branch na nagkakahalagang P343,366,75 na umano’y nagamit ng mga suspek sa pansariling kapakanan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang paghahanap ng mga otoridad sa mga suspek para sa karampatang kaparusahan.