NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P360-K na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Candelaria Quezon

Kinilala ang mga suspek na sila Yoshi Nikko Hernandez Takahashi, empleyado ng gobierno, 32-anyos, residente ng Sitio Centro, Brgy. Paiisa, Tiaong sa nasabing probinsiya at Joanna Mariel Gozo Manilay, 19-anyos, residente naman ng Magsaysay Street, City Subdivision, Brgy. 1B, San Pablo City, Laguna.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakumpiska sa mga suspek ang nasa 1,000 grams na shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P360,000.00 at 49 piraso ng P1,000 peso bill na boodle money.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.