NAGA CITY – Kumpiskado ang nasa mahigit P360-K na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buybust operation sa Purok Narra Immaculada Concepcion Village, Brgy. Isabang, Lucena City.


Kinilala ang mga suspek na sina Rolly Lagos alyas Niko, 33-anyos, residente ng Blk. 78- Lot. 80 Vista Verde Subd. Brgy. Isabang, Tayabas City at Emillano Antipolo alyas Nano, 48-anyos, residente ng Guadalupe St. Imaculada Concepcion Village sa naturang ng barangay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili sa suspek ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa halagang P2,500.00 ang nagpanggap na posuer buyer.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na maliban sa buybust item narekober pa sa mga suspek ang anim pang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na nasa 16.5 grams na nagkakahalaga naman ng P366,600.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.