NAGA CITY- Kumpiskado ang mahigit P411-K na halaga ng iligal na droga sa isinagawang magkahiwalay na buybust operation sa Lucena City.
Kinilala ang mga suspek na sila alyas Callo, 51-anyos, residente ng Purok 3B, Brgy. Dalahican; alyas Len, 34-anyos, residente naman ng Purok Bagong Sinag, Brgy. Cotta; Alyas Boc, 29-anyos, residente ng Bel Air Subd, Brgy. 10, Lucena City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ng isang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu an nagpanggap na posuer buyer kina alyas Callo at alyas Len. Maliban sa buybust item nakuha pa kay Alyas Callo ang apat pang heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu at buybust money. Tinatayang mayroon itong bigat na nasa 5.21 grams ang mga nakumpiska na ipinagbabawal na gamot sa nasabing mga suspek at nagkakahalangang nasa P106,284.
Samantala, nakumpiska rin sa isang high value individual ang mahit P304-K na halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation sa Purok Sampaguita, Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid na nakabili rin ang nagpanggap na posuer buyer kay Alyas Boc ng isang plastic sachet kan shabu.
Sa imbestigasyon pa ng mga otoridad, nakuha pa sa suspek ang dalawa pang plastic sachet ng iligal na droga at P11-K na halaga ng buybust money.
Tinataya rin na mayroon bigat na 14.95 grams ang nakumpiskang shabu kay alyas Boc na nagkakahalaga ng nasa P304,980.
Sa kabuuan, tinatayang nagkakahalagang nasa P411,264 an mga nakumpiska na iligal na droga mula sa naturang mga suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga ito para sa karampatang kapadusahan.